Wednesday, November 3, 2010

Sa Mga Bagong Luklok

Martes, ika-2 ng Nobyembre, papauwi na ako pabalik ng Maynila. Paglabas ko ng bahay, makarating sa kalsada sa bahay ng Tiya Ellen, huminto ako at naghinaw ng paa, ang mga yao'y lubhang naputikan bunsod ng malakas na ulan. Habang ako'y naglilinis naririnig ko ang usapan ng mga tao doon, ng aking Tiyo Ramon, at ang dalawang bagong halal na konsehal, sina Tiyo Nanding Magkawas at Fidel Garcia. Ang sa wari ko'y pinaguusapan nila ang isang bagong problema sa barangay, as I eavesdropped, ito ay tungkol sa sirang gripo. Narinig kong sinabi ni Tiyo Ramon, pagtulung-tulungan nyo yan, kaya kayo nahalal ay para tulungan ang tao. Na sa tingin ko nama'y talagang ginagawan nila ng paraan para ito ay maresorba.  Pagkatapos ay nagpalitan ng tanong na, magkano kaya ang tangke, so on and so forth.

Isang magandang pahiwatig, nawa ay ipagpatuloy nila ang ganitong gawain para sa ikabubuti ng aming barangay.Sana'y dumating ang araw na ang kalsada naman ang kanilang pagtutuunan ng pansin. Ay naalala ko, nung pauwi kami galing sa Bungoy, kaming lima ng aking inay at mga kapatid at ang aking hipag ay sumakay ng tricycle pauwi, masyadong malubak ang kalsada at mataltal, nasambit ko tuloy sa driver, "dahan dahan po, may buntis dito sa loob", totoo namang may buntis, sa paraan ng pagpapatakbo nya kasi ay halos mauntog kami sa bubong ng tricycle, nadagdag pa ang pagkalubak ng aming kalsada. Hay, ang lubak, tinambakan ng malalaking bato na lalong nagpahirap sa pagpapatakbo, sakit kaya sa pwet, try nyo! Sana, maglaon ay maayos na ng tuluyan ang amin kalsada.

Muli, ang aking pagsaludo sa mga bagong halal na opisyal ng Barangay Cabatang., ipagpatuloy nyo ang madandang gawain...


Photobucket

No comments:

Post a Comment

Featured Post

I Applied in Qatar Airways